Wednesday, March 5, 2014

Si Ana Manila ng Lansangan ni Sweet Lapuz


Si Ana Manila ng Lansangan
ni: Sweet Lapuz

Bigo si Ana Manila sa kanyang pangarapNa tinatahi-tahi niya sa isip at dibdib,Natunaw lahat…Hindi pala…Naudlot lahat,Sapagkat walang nabuo kahit isa.

Hanggang diyan ang pisiNg ligaya niyang walang humpay,Dahil sa itim na budhi,Na ayaw maglubay,Kaya ang kanyang buhay,Laging sablay.

Sarap sana ng higop niyang sabaw ng nilaga,At pangal niya ng lechong paksiwNa may sauce na ang timplaAy tamis-anghang ng asukal at paminta,Wala na… wala na… tiis siya!

Hanggang wakas sanaDoon sila magkikitaNg imbay ng tagumpay,Doon sa simula,Makakasama niya namanPero, wala na… puro katapusan!

Pagkat hindi siya nagtiis,Hindi nagpapawis,Kapiling niya ngayon,Langaw na gumonGumon sa kanyang dungis,At paghihinagpis!

Ang tulang ito ay maaring ipaliwanag sa Teoryang Pormalismo. Isang uri ng teorya ang pormalismo kung saan binibigyang kahulugan ang isang uri ng panitikan sa literal na paraan.
Si Ana Manila ng Lansangan ni Sweet Lapuz ay isang tula kung sa kabiguan ng isang babae sa pagkamit ng kanyang pangarap. 
Sa unang taludtod, isinalaysay ng manunulat na si Ana ay isang babaing punung-puno ng pangarap at pagnanais sa buhay ngunit sa 'di malamang kadahilanan, siya'y nabigo.
Sa pangalawag taludtod naman, inilarawan ng manunulat si Ana bilang masayahing tao at punung-puno ng pag-asa. Ngunit dahil sa mga negatibong bagay na 'di binigyang kalinawan ng manunulat, ang buhay ni Ana ay nasayang at lumihis ng landas.
Ipinaliwanag naman ng manunulat na pinapangarap sana ni Ana ang magaan at masarap na buhay. Ngunit dahil nga hindi niya natupad ang kanyang mga pangarap, kinakailangan niyang magtiis at tanggapin ang buhay na mayroon siya.
Sa sumunod pang taludtod, isinalaysay na kung hindi nagpa-lamon si Ana sa negatibong bagay na 'di isinaad ng manunulat, maaabot na niya sana ang tagumpay na inaasam. Noong una'y tama ang tinatahak niyang landas ngunit nang lumaon ay nabigo din siya.
Ayon sa manunulat, ang hindi pagtitiis ni Ana ang siyang naging dahilan ng kanyang pagkabigo. Dahil sa hindi niya paghihirap upang makamit ang kanyang pangarap, mga langaw ang kasama niya sa kanyang buhay. Ang ibig sabihin nito, gutom, pagsisisi at paghihirap ang nararanasan ni Ana. Maaaring si Ana Manila ay isang taong grasa sa paraan ng paglalarawan ng manunulat.
Sa gayon, ang tulang ito ay naghihikayat sa kanyang mga mambabasa na maging matiyaga sa buhay at huwag tumigil sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Nais ng manunulat na ang kanyang magbabasa ay maging matiisin at nakatingin lamang sa tagumpay.